^

Bansa

Health Secretary Duque nagturok ng bakuna pero hindi nagpaturok

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Health Secretary Duque nagturok ng bakuna pero hindi nagpaturok
Pinangunahan ni DOH Secretary Francisco Duque ang pagbabakuna na isinagawa sa Lung Center of the Philippines kung saan una niyang tinurukan si Dr. Eileen Aniceto ng Pulmonary Medicine sa nabanggit na pagamutan. Dumalo rin sa nasabing makasaysayang pagtuturok sina QC Mayor Joy Belmonte at MMDA General Manager Jojo Garcia.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang na­ngasiwa sa pagtuturok sa unang recipient ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Lung Center of the Philippines kahapon ng umaga sa opisyal na pag-uumpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

Siya rin mismo ang nagturok kay  Dra. Eileen Aniceto, pulmonologist at head ng LCP  emergency room na sinundan ng nasa 19 pang ibang health workers ng naturang pagamutan.

Sa kabila ng anunsyo na magpapabakuna rin si Duque, hindi naman ito naisagawa dahil sa mas inuna muna ang mga nakalinyang mga doktor at staff ng ospital.

Bago ito, muling hinikayat ng kalihim ang publiko na magpabakuna na at huwag nang hintayin ang pagdating ng ibang brand ng COVID-19 vaccine. Iginiit niya na sa buong mundo ginagamit ang Sinovac vaccine kung saan may 2.5 milyong doses na ang naiturok sa iba’t- ibang bansa.

Sinabi pa niya na aabot lamang sa .0005% ang risk o panganib na maaaring idulot ng bakuna habang kung hindi magpapabakuna ay napaka­taas ng risk na magkaroon ng COVID-19.  

Tiniyak rin niya na may indemnification ang gobyerno sa mga magpapabakuna na magkakaroon ng seryosong epekto. Sinabi niya na sasagutin ng pamahalaan sa pamamagitan ng PhilHealth ang pagpapaospital ng pas­yente at iba pang gastusin.

Bukod kay Duque, kasama rin niya sa prog­rama sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with