PNP, AFP nauna na rin sa vaccine
MANILA, Philippines — Umarangkada rin kahapon ang pagbabakuna sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa PNP, isa sa unang nabakunahan ang hepe ng Health Service ng command na si Brig. Gen. Luisito Magnaye.
Bukod sa kanya, nagpaturok na rin kahapon sina PNP General Hospital Chief, Dr. Lt. Col. Cleto Manongas, at PNP GH Deputy Chief Dr. Lt. Col. Raymond Ona kasama ang PNP health workers.
Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kumpleto na ang mga nagboluntaryo na mabakunahan ng inisyal na 800 dose ng bakuna na alokasyon ng PNP General Hospital.
Maging ang tanggapan ng DND at AFP ay umarangkada na rin ang pagbabakuna na isinagawa sa Veterans Hospital at sa iba pang military hospital.
- Latest