^

Bansa

Vaccination sa 1.4 milyong health workers, tatapusin sa loob ng 1 buwan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng National Task Force for COVID-19 na matapos ang pagpapabakuna sa may 1.4 milyong health workers sa loob ng isang buwan upang higit silang makapagserbisyo ng walang takot na mahawa ng virus sa mga pagamutan.

“Pipilitin po natin na matapos sa lahat ng health workers nationwide ngayong Marso,” ayon kay Secretary Carlito Galvez sa programa sa Philippine General Hospital (PGH) bago mag-umpisa ang pagbibigay ng bakuna. 

Sa kasalukuyan, tanging 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China pa lamang ang dumarating sa bansa, ngunit inaasahan na maidedeliber din ang mga bakuna buhat sa Pfizer at AstraZeneca na naantala ang pagdeliber na naka-iskedyul sana kahapon.

Aminado si Galvez na wala pang tiyak na petsa kung kailan maidedeliber ang AstraZeneca vaccines pero naiintindihan naman nila ang sitwasyon sa kakapusan ng suplay dahil sa lahat ng bansa ay nag-aagawan sa bakuna.

“We understand the challenge COVAX is facing because they are supplying the global community. Ang pagkakasabi nila, indefinite pero hopefully first quarter,” paliwanag ni Galvez.

Sinabi naman niya na nasa 117,000 doses ng Pfizer vaccine na donasyon buhat rin sa COVAX facility ang inaasahang darating sa Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon.  Habang ang Pfizer vaccine na inorder at babayaran ng gobyerno sa Pfizer ay mas mahuhuli na posibleng sa ikatlo o ikaapat na quarter pa ng taon darating.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with