^
Pagbabakuna arangkada na!
Sa inilabas na advisory ng DOH, magsasagawa ng magkakasunod na programa ang pamahalaan sa UP-Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Ve­terans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Philippine National Police General Hospital at V. Luna General Hospital.
AFP/Siphiwe Sibeko/Pool

Pagbabakuna arangkada na!

Doris Franche, Mer Layson, Danilo Garcia, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Galvez, iba pang opisyal unang tuturukan

MANILA, Philippines — Gugulong na ang ‘vaccination program’ ng pamahalaan nga­yong Lunes at mauunang magpabakuna si National Task Force for COVID-19 Secretary Carlito Galvez.

Sa inilabas na advisory ng DOH, magsasagawa ng magkakasunod na programa ang pamahalaan sa UP-Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Ve­terans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Philippine National Police General Hospital at V. Luna General Hospital.

Magkakaroon ng ‘symbolic vaccination’ kung saan unang sasalang sa pagpapaturok ng bakuna buhat sa Sinovac sina Galvez at Duque maging ilang opisyal ng DOH upang maipakita na ligtas ito at mapataas ang kumpiyansa ng mamamayan.

“In light of the arrival of COVID-19 vaccines in the country, there will be a Symbolic Vaccination with Corona Vac Vaccines by Sinovac Life Science Co. Ltd in different hospitals in NCR for March 1, 2021,” ayon sa advisory.

“In the coming days, these vaccines will also be rolled-out in the other parts of the country,” dagdag pa nito.

Inaasahan na magpapabakuna si Galvez sa UP-PGH kung saan dadalo rin sa programa sina Secretary Harry Roque, Food and Drugs Administration (FDA) Director Gene­ral Rolando Domingo, Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Benhur Abalos, at Manila City Mayor Isko Moreno dakong alas-9 ng umaga.

Sa Lung Center of the Philippines may ilang opisyal din ang magpapabakuna at sa iba’t iba pang lugar na  iba pang opisyal ng pamahalaan.

Simula na rin nga­yon ang PNP Vaccination Plan: Caduceus partikular ang pagbabakuna sa nasa prio­rity list sa PNP General Hospital  sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesman, BGen. Ildebrandi Usana, nga­yon alas-9 ng umaga aarangkada ng vaccination na sasaksihan ni PNP chief Gen. Debold Sinas at ng ibang matataas na opisyal ng police force.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with