^
Duterte nagpasalamat sa China sa paghahatid mismo sa bakuna
Sakay sa Chinese plane lulan ang nasabing 600,000 ng bakuna na lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City dakong alas- 4:10 ng hapon. Ito ang unang batch ng bakuna mula sa Beijing based drugmaker na Sinovac Biotech, kung saan dinisinfect muna ito bago tuluyang inilipat sa cold storage van.
Alber Alcain/Presidential Photo

Duterte nagpasalamat sa China sa paghahatid mismo sa bakuna

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Personal na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang batch ng Sinovac vaccine na idiniliber mismo sa bansa ng pamahalaan ng China.

Sakay sa Chinese plane lulan ang nasabing 600,000 ng bakuna na lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City dakong alas- 4:10 ng hapon. Ito ang unang batch ng bakuna mula sa Beijing based drugmaker na Sinovac Biotech, kung saan dinisinfect muna ito bago tuluyang inilipat  sa cold storage van.

Bukod sa Pangulo kasama rin sa sumalubong sa nasabing bakuna sina  Health Secretary Francisco Duque III, Sen. Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Defense Sec.Delfin Lorenzana, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, Transportation Sec. Arthur Tugade at ni Chinese Ambassador Huang Xilian at iba pang Chinese diplomats.

Sa isang turned over ceremony, buong pagmamalaki na sinabi  ni Duterte na maraming bansa ang binigyan ng bakuna ng China subalit pinakuha sa kanila.

Habang  sa Pilipinas ay personal pa itong inihatid ng Chinese go­vernment.

Dahil dito kaya pinahatid ng Pangulo kay Xilian na personal siyang nagpapasalamat kay Chinese President Xi Jing Ping dahil sa donasyong bakuna.

Pinuri rin ni Duterte si Galvez dahil ginawa ang paraan para makakuha ng bakuna ang bansa.

Sa speech naman ni Galvez, sinabi nito ang sitwasyon kapag nasi­mulan na ang rollout ng bakuna sa bansa, kabilang dito ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19, mapapaluwag ang community quarantine at maibabalik sa normal ang buhay ng mga Pinoy.

Sinabi rin ng vaccine czar na sobrang pinapahalagahan nila ang tulong ng China at lagi itong tatanawin na utang na loob kasabay ng “special” thank you kay ambasador Xilian.

Ang Sinovac ang ikatlong manufacturer na binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) sa bansa ng emergency used maliban sa Pfizer at AstraZeneca.

CHINA COVID-19 VACCINE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with