^
Kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 2,500 kada araw â OCTA
Nitong nakaraang Sabado, naitala sa 2,921 kadami ang mga bagong kaso ng COVID-19 pero bumaba naman ito sa 2,113 nitong Linggo. Sa kabila nito, tinawag pa rin ni Prof. Guido David na “concerning” ang mga datos kung hindi ito patuloy na bababa.
Philstar.com/Irish Lising

Kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 2,500 kada araw – OCTA

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ng mga eksperto ng UP-OCTA Research Group na papalo sa 2,500 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa kung magpapatuloy ang trend sa pagtaas nito na nag-umpisa na nitong mga nagdaang araw.

Nitong nakaraang Sabado, naitala sa 2,921 kadami ang mga bagong kaso ng COVID-19 pero bumaba naman ito sa 2,113 nitong Linggo. Sa kabila nito, tinawag pa rin ni Prof. Guido David na “concerning” ang mga datos kung hindi ito patuloy na bababa.

“Ito ‘yung levels na nakita natin noong August per day. What that would mean? potentially mao-overwhelm ang health care system so that’s why it’s importante na ma-curb natin agad,” giit ni David.

Maaaring dulot pa rin umano ito ng mga nagdaang selebrasyon tulad ng Valentine’s Day na marami ang lumabas at namasyal at maging ang Chinese New Year.  Pero pangunahing maaaring dahilan ang pagkukumpiyansa na ng publiko.

Sa Metro Manila, nangunguna ang Pasay City na may pinakamalaking itinaas ng mga kaso dahilan para isailalim sa ‘localized lockdown’ ang nasa 56 barangay. Binabantayan rin naman ng OCTA Research ang posibleng pagtaas ng mga kaso sa Manila, Quezon City at Makati.

Pabor rin ang grupo sa pagsasailalim pa rin sa Metro Manila at siyam pang lugar sa ‘general community quarantine (GCQ)’ sa Marso bagama’t nakikita na marami nang mamamayan ang mala­yang nakalalabas ng kanilang bahay.

“In hindsight at least, it’s good na hindi pa tayo nag-MGCQ sa Metro Manila because of the surge in increase in Metro Manila and kung mag-MGCQ ay mas mahirap na i-curb ito. We could still implement localized lockdowns pero implementation would be hard and we think na ‘yun nga ‘yung being in GCQ will help us curb this increase better,” paliwanag ni David.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with