^
Pilot implementation muna sa face-to-face classes
Ayon kay Senador Sonny Angara na dapat maging maingat ang gobyerno bago simulan ang face-to-face learning dahil andyan pa rin ang panganib ng COVID-19.
The STAR/Edd Gumban, file

Pilot implementation muna sa face-to-face classes

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangan munang magkaroon ng pilot implementation ng face-to face classes bago mu­ling magsimula ng klase sa buong bansa.

Ayon kay Senador Sonny Angara na dapat maging maingat ang gobyerno bago simulan ang face-to-face learning dahil andyan pa rin ang panganib ng COVID-19.

Iginiit ni Angara na, nais din niya na bumalik ang mga estudyante sa learning school dahil mas nakakawala ito ng stress at pressure sa mga mag-aaral at sa mga magulang na napipilitan sa blended learning dahil sa pandemic.

Subalit bago magsimula ang planong face-to-face classes ay mas mabuting magkaroon muna ng pilot implementation para makita kung paano ito magiging maayos at dapat munang pumili ng isa o dalawang probinsya na walang kaso ng coronavirus.

Dapat din umanong handa ang mga health system sa lugar na mapipili sakaling magkaroon ng super spreader dahil mayroong mga ulat sa ibang bansa na ang face-to-face classes ay nagsisilbing super spreader events.

Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na isusulong niya ang pagbubukas ng face- to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng coronavirus kahit wala pa ang bakuna, kakula­ngan sa silid-aralan at sa tamang health facilities.

COVID-19 FACE TO FACE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with