^

Seafarers krusyal sa vaccine rollout, dapat iprayoridad – Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher ‘Bong’ Go kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na tiyaking wala nang makahahadlang sa delivery ng COVID-19 vaccines na ibibigay sa mga mahihirap, vulnerable sector at seafarers na nasa priority list ng national vaccinations program ng gobyerno.

Ayon kay Go, naging positibo naman si Galvez sa apela ng seafarer groups na isama sila sa priority list.

Suportado ng senador ang pakiusap ng seafarers at ng iba pang sektor na natukoy bilang mga prayoridad sa bakuna, gaya ng frontliners, mahihirap at vulnerable sectors.

Ipinunto ni Go, chairman ng Senate committee on health, na ang seafarers ay may kritikal na papel sa shipping, kung saan ay limitado ang bakuna dahil sila ay palaging nasa malalayong lugar.

“Paghandaan na natin kung papaano magagawang available at accessible ang mga vaccines sa lahat, lalung-lalo na sa mga nasa malalayong lugar kung saan limitado ang access sa mga pangunahing serbisyo,” sabi ni Go.

Bilang kasapi ng Senate committee on labor, idiniin ni Go ang kahalagahan ng shipping industry bilang source ng employment para sa Filipino seafarers.

Ang Pilipinas ay may tinatayang 385,000 seafarers o halos quarter ng global total na 1.6 million.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with