^
Pinas ready na sa pagtanggap sa bakuna - DOH
Habang sa Lunes (bukas), inaasahan na rin ang pagdating ng may 500,000 doses ng AstraZeneca.
AFP/Joel Saget

Pinas ready na sa pagtanggap sa bakuna - DOH

Ludy Bermudo, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

Sinovac darating ngayong araw, AstraZeneca bukas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) kahapon na handang-handa na ang pamahalaan sa pagtanggap ng unang batch ng Sinovac coronavirus disease (COVID-19) vaccines na donasyon ng Chinese government, na paparating ngayon.

Habang sa Lunes (bukas), inaasahan na rin ang pagdating ng may 500,000 doses ng AstraZeneca.

Sa naging usapan sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na matagal nang pinaghahandaan ang pagsalubong sa pagdating ng mga bakuna.

“Actually, we have been prepared for weeks already because we were expecting the Pfizer vaccines before and sa nga­yon inuulit nalang natin at nirerepaso kung ano ’yung ating mga ginagawa noon,” ani Vergeire.

“Nagsagawa ng simulation kahapon at tiningnan kung paano ’yung pag- receive, at pag- distribute, at pag-transport. Lahat po ay sinisiguro na wala tayong as much as possible magka gap dahil nakapa importante ng bawat dose ng bakunang ito,” aniya pa.

Nasa 600,000 doses ng  Sinovac vaccines ang mismong sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Villamor Air Base sa Pasay City nga­yong Linggo, kung saan magkakaroon ng inspection sa tarmac, magkakaroon din umano ng press conference doon at isasabay ang pagpapasalamat ng Pangulo sa China.

Ibibiyahe naman ang nasabing bakuna patungo sa DOH facility sa  Marikina City.

Bukas, inaasahan na rin darating ang bakuna ng AstraZeneca.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with