^
Duterte ipinatawag ang hepe ng PNP at PDEA
Si Pangulong Rodrigo Duterte habang kaharap sina PNP chief Gen. Debold Sinas at PDEA chief Wilkins Villanueva na kanyang ipinatawag kamakalawa ng gabi sa Malacañang kaugnay sa naganap na misencounter sa Quezon City. Kasama sa pagpupulong sina Sen. Bong Go at DOJ Secretary Menardo Guevarra
STAR/ File

Duterte ipinatawag ang hepe ng PNP at PDEA

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Personal na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang sina Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva kamakalawa ng gabi tungkol sa insidente ng shootout sa Quezon City kung saan nasangkot ang kanilang mga ahensiya.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque,  ipinaliwanag ng Pangulo ang dahilan kung bakit ang National Bureau of Investigation (NBI) na ang mangunguna sa imbestigasyon.

Nauna rito ipinatigil ng Pangulo ang imbestigasyon na gagawin sana ng PNP at PDEA at ipinaubaya sa NBI ang nangyaring shootout.

Kinumpirma rin ni Roque na hiniling  ni Duterte sa Kongreso na i-delay ang gagawing imbestigasyon sa nangyaring engkuwentro ng mga tauhan ng PNP at PDEA.

Nais ni Duterte na magkaroon ng patas na imbestigasyon at inatasan ang PNP at PDEA na makipagtulu­ngan sa NBI.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with