^
Metro Manila, 9 pang lugar GCQ pa rin sa Marso â Palasyo
Inihayag ito ni presidential spokesperson Harry Roque na bukod sa Metro Manila, iiral ang GCQ sa Apayao, Baguio City, Kalinga, Mt. Pro­vince, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.
The STAR/Michael Varcas

Metro Manila, 9 pang lugar GCQ pa rin sa Marso – Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin sa general community qua­rantine (GCQ) sa Metro Manila at siyam pang lugar sa buong buwan ng Marso.

Inihayag ito ni presidential spokesperson Harry Roque na bukod sa Metro Manila, iiral ang GCQ sa Apayao, Baguio City, Kalinga, Mt. Pro­vince, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.

Maliban sa mga na­banggit na lugar, iiral sa buong bansa ang mas maluwag na modified ge­neral community quarantine (MGCQ).

Nauna rito, hindi kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na ilagay na sa MGCQ ang buong Pilipinas.

Nanindigan ang Pa­ngulo na kailangang magsimula muna ang pagbabakuna laban sa COVID-19 bago ilagay ang buong bansa sa mas maluwag na MGCQ upang matiyak na mapapabagal ang pagkalat ng impeksiyon.

Matatandaan na iniha­yag ni Roque na bagaman at kinikilala ng Pa­ngulo ang kahalagahan nang pagbubukas na ang ekonomiya, upang mabawasan ang walang trabaho at mga nagugutom, pero mas matimbang sa kanya ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan.

Unang inilagay ng Metro Manila sa lockdown noong Marso 17, 2020 o halos isang taon na ang nakakaraan.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with