^
Travel requirements, niluwagan ng IATF
Magpapatupad pa rin ng clinical at exposure assessment sa mga pasahero sa entry at exit points ng mga daungan na pangungunahan ng mga medical doctors.
AFP

Travel requirements, niluwagan ng IATF

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng  Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagpapatupad ng uniform travel protocols o mas maluwag na travel requirement para sa lahat ng local government units (LGUs).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang mga bibiyahe ay hindi na kailangang sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ipinatutupad ito nang pupuntahang LGU bago ang biyahe. Ang testing ay lilimitahan sa RT-PCR.

Ang mga biyahero ay hindi na rin kailangang sumailalim sa quarantine maliban na lamang kung magpapakita ng sintomas sa pagdating sa destinasyon ng LGU.

Mahigpit pa ring ipatutupad ang minimum public health standards katulad ng physical distancing, paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield sa lahat ng pagkakataon.

Magpapatupad pa rin ng clinical at exposure assessment sa mga pasahero sa entry at exit points ng mga daungan na pangungunahan ng mga medical doctors.

Dapat ay mayroong sapat na quarantine at isolation facilities ang mga ports at terminals para sa mga biyaherong makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bumuo ng magkakaparehong travel protocols para sa mga sasakyang panglupa, pang­dagat at panghimpapawid.

Kaugnay sa documentary requirements, ang travel authority na ipinalabas ng Joint Task Force COVID Shield at health certificates ay hindi na kailangan.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with