^

November 2, December 24, December 31 may pasok na

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Ang tatlo ang mga non-working holidays sa bansa matapos gawing na lamang special working days  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Nobyembre 2, Disyembre 24 at Disyembre 31 ng bawat taon.

Ang mga nabanggit na araw ay dating non-working days kung saan ang ginugunita sa Nobyembre 2 ang All Soul’s Day, Christmas Eve sa Disyembre 24, at New Year’s Eve sa Disyembre 31.

Ayon sa Malacañang, binawasan ni Duterte ang mga araw na walang pasok kung saan nadaragdagan ang sahod ng mga pumapasok upang tulungang makabawi ang ekonomiya na bumagsak dahil sa pandemya.

Nakapaloob sa Proclamation No. 1107 na nilagdaan ni Duterte noong Pebrero 26, 2021 ang pagbabawas sa mga non-working days.

Nakasaad din sa proklamasyon na nasa state of calamity pa rin ang bansa dahil sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na kailangang madagdagan ang economic productivity at mabawasan ang pagtigil ng trabaho habang ginugunita ang ilang special holidays bilang special working days.

“For the country to recover from the adverse economic impact of the COVID-19 pandemic, there is a need to encourage economic productivity by, among others, minimizing work disruption and commemorating some special holidays as special (working) days instead,” nakasaad sa proklamasyon.

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with