^

Bansa

Pagluwag ng restrictions, dahilan sa paglobo ng COVID-19

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagbabawas sa ilang quarantine restrictions at ang maluwag naman na pagtugon ng mga lokal na  pamahalaan ang maaa­ring nag-ambag sa dahilan upang muling umangat na ang mga kaso ng  COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Ma.Rosario Vergeire nitong Sabado sa Laging Handa public briefing.

“Nakikita natin na may iba’t -ibang factors that may have caused this increase in the number of cases.”

“Unang-una na rin po ‘yung easing of restrictions at nakikita natin na medyo hindi po nasusunod ‘yung pag-comply natin sa minimum public health standards. Isa pang nakikita nating factor would be the response of our local governments. Kaila­ngan lang pag-igtingin pa ang response lalong lalo na ang mga ginagawang quarantine and isolation protocols,” dagdag pa ni Vergeire.

Inihayag ito ni Vergeire  kasunod ng pinakahuling tally ng  COVID-19 cases nitong nakalipas na Biyernes na umabot na sa 571,327 habang ang mga bagong naitalang kaso ay nasa 2,651.

Ito aniya, ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 infections na iniulat sa loob lamang ng isang araw para sa taong ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with