^
Sinovac vaccine inaprubahan nang gamitin sa health workers
“Our NITAG experts with the TAG (Technical Advisory Group) experts have concluded that the vaccine will be beneficial for the healthcare workers,” ayon kay Department of Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.
AFP/Ozan Kose

Sinovac vaccine inaprubahan nang gamitin sa health workers

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gagamitin na rin ng pamahalaan ang Sinovac COVID-19 vaccine para sa health workers makaraang igiit ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ligtas at mabisa ang naturang bakuna.

“Our NITAG experts with the TAG (Technical Advisory Group) experts have concluded that the vaccine will be beneficial for the healthcare workers,” ayon kay Department of Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Idinagdag rin niya na may sapat na ebidensya na ligtas ang bakuna makaraang bigyan ng ‘emergency use authorization (EUA)’ ng Food and Drugs Administration (FDA).

Una nang sinabi ng ahensya na nasa mababang 50.4 porsyento lamang na epektibo ang Sinovac vaccine kapag ginamit sa grupo ng mga health workers na lantad sa pa­nganib ng virus.

Ngunit makaraan ang mga pag-aaral ng NITAG sa mga datos sa mga hindi nalathalang trials, iginiit nila na ligtas at mabisa ang naturang bakuna kahit na sa health workers pa ito iturok.

“[Sinovac] is safe for use for health care workers. We need to protect them. Since ito ang available ngayon, kailangan nating gamitin para sa kanila (Since this is the one available now, then we must use it for them),” ayon kay Dr. Maria Consorcia Quizon, miyembro ng NITAG.

Ang Sinovac ang unang bakuna na darating sa bansa na inaasahan ngayong Linggo. Tinatayang 600,000 doses nito ang darating at uunahin ang mga health workers na mabakunahan base sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

COVID-19 VACCINE SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with