^
Satellite tech bill lusot na sa House panel
Ang House Bill 70812 ay ipinasa na nitong linggo sa House Committee on Information and Communication Technology
STAR/File

Satellite tech bill lusot na sa House panel

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalusot na sa House panel ang panukalang nagsusulong sa “Satellite Technology” na makakatulong ng malaki sa umuusbong na ‘digital economy’ na makakaabot kahit sa mga liblib na bahagi ng bansa.

Ang House Bill (HB) 70812 ay ipinasa na nitong linggo sa House Committee on Information and Communication Technology (ICT).

Sinabi ni 2nd District Albay Rep. Joey  Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee at may-akda ng panukalang batas, ang “satellite-based internet broadband’ ay isa sa mga plataporma ng madali, higit na malawak at mabisang ‘internet connectivity.’

“Mahalaga ang ‘satellite liberalization’ dahil sa liblib na mga pamayanan ng bansa, masyadong mahal para sa mga kumpanya ang magtayo ng ‘broadband or fiber optic’ na maiiwasan kung ‘Satellite-based internet’ ang gagamitin, na magiging daan naman para mapabilis ang pag-unlad ng mga rehiyon at lalawigan,” pahayag ni Salceda.

Ayon pa sa solon, ang ‘satellite-based internet’ ay madaling makapaghatid ng serbisyong internet sa mga hiwa-hiwalay na isla ng bansa.

Iginiit nito na sadyang kailangan ng bansa ang ‘internet connectivity’ para makabangon sa pagkakalugmok ang ekonomiya sa COVID-19 pandemic.

ICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with