^
Probe sa âmisencounterâ, ipaubaya sa NBI
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagdesisyon ang Pangulo na tanging NBI na lang ang mag-iimbestiga sa nangyaring shootout kung saan apat ang nasawi kabilang ang dalawang QCPD cops, isang agent at isang civilian informant ng PDEA sa par­king lot ng isang fastfood sa Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules ng gabi.
Philstar.com/Google Street View, File

Probe sa ‘misencounter’, ipaubaya sa NBI

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Utos ni Duterte

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na tanging ahensiya na mag-iimbestiga sa madugong shootout sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagdesisyon ang Pangulo na tanging NBI na lang ang mag-iimbestiga sa nangyaring shootout kung saan apat ang nasawi kabilang ang dalawang QCPD cops, isang agent at isang civilian informant ng PDEA sa par­king lot ng isang fastfood sa Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules ng gabi.

Dahil dito, ayon kay Roque kaya titigil na sa pag-iimbestiga ang PDEA at PNP sa nasabing insidente.

Paliwanag naman ng tagapagsalita ng Palasyo na NBI lang ang mag-iim­bestiga sa nasabing barilan dahil gusto ng Pangulo na matiyak na magiging patas ang im­bestigasyon sa pangyayari.

Maliban dito, legal na mandato ng NBI na mag-imbestiga lalo na kung men in uniformed ang nasasangkot.

Nalulungkot umano ang Pangulo at nagtatanong kung bakit nauwi sa ganitong sitwasyon ang ope­rasyon ng dalawang hiwalay na law enforcement agency.

NBI PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with