^

Pinoys sa US, pinag-iingat sa ‘hate crimes’ vs Asians

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Washington ang mga Pinoy na nasa Estados Unidos na mag-ingat dahil sa tumataas na bilang ng insidente ng ‘hate crimes’ laban sa mga Asyano sa naturang bansa.

Sa abiso ng embahada, nababahala sila dahil sa tumataas na bilang ng pag-atake sa mga Asian Americans sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang paalala ay bunsod sa ulat ng US media outlets na pagtaas ng kaso ng pag-atake sa mga Asian Americans sa iba-ibang bahagi ng estado na naghihikayat ng pag-aksyon.

Nauna nang naiulat ang nilaslas na mukha ng isang 61-anyos na Pinoy sa New York matapos na atakihin sa subway, at ang pag-atake rin sa isang matandang Pinay sa San Diego, California.

Maliban dito, naiuulat din ang pagnanakaw at pag-atake sa Chinatowns sa ilang mga pangunahing US cities, habang kumakalat din ang pandemic-related racism na tinatarget ang Asian-Americans sa social media.

Sa kabila nito, kinilala naman ng embahada ang mabilis na pag-aksyon ng lokal na gobyerno sa Amerika.

PHILIPPINE EMBASSY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with