^

Duterte, Go sasalubong sa bakuna

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Sinovac vaccine darating bukas

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go ang sasalubong bukas sa pagdating ng may 600,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac ng China.

Sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Health, na ito ang unang batch ng donasyon ng China na paparating bukas Pebrero 28 at sila ni Pangulong Duterte ang tatanggap nito.

Sa pagtaya ng Senador, bandang alas-5 ng hapon darating ang bakuna kung saan magkakaroon na umano ng isang simpleng turn-over sa kanila ng Pangulo.

Habang aabot naman sa 100,000 doses dito ang ilalaan para sa mga sundalo at sibilyan na empleyado ng Department of National Defense (DND).

Idinagdag pa ng Senador na ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang mangunguna sa pagbabakuna kung saan handa na rin ang mga doktor at frontliners dito para simulan na ang vaccine rollout sa sandaling dumating ito.

Ang nasabing ospital din umano ang siyang mamumuno sa pagtuturok sa mga sundalo at civilian employees ng DND.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with