^
'Volcanic tremors' sa Bulkang Taal sumirit sa 113 sa nakaraang 24 oras
Sa undated photo na ito, tuloy sa trabaho ang mangingisdang ito sa lawa malapit sa Bulkang Taal
Philstar.com/Efigenio Toledo IV, File

'Volcanic tremors' sa Bulkang Taal sumirit sa 113 sa nakaraang 24 oras

(Philstar.com) - February 26, 2021 - 2:20pm

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy ang pagtaas ng volcanic tremors na naibalita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Taal nitong Linggo, 10 araw matapos ang mga "forced evacuations" dahil sa mga aktibidad ng bulkan.

Basahin: 'Forced evacuations' ikinasa sa Batangas dahil sa volcanic activity ng Taal

"Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng isang daan at labing tatlong (113) yugto ng volcanic tremor na tumagal mula isa (1) hanggang tatlumpu't apat (34) na minuto," ayon sa Phivolcs, Biyernes.

Malaking pagtalon ito mula sa anim lang nitong Lunes at 0 nitong Martes. Tumaas 'yan sa dalawang tremor episodes nitong Miyerkules hanggang umabot ng 69 noong Huwebes.

Kasalukuyang nasa Alert Level 1 pa rin ang bulkan, kung saan maaaaring maganap ang mga biglaang "phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas... sa mga paligid ng Taal Volcano Island," pagpapatuloy ng state volcanologists.

"Sa kabila nito, mayroon lamang mahinang pagsingaw mula sa mga furmaroles o gas vents sa Main Crater."

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ninuman sa Taal Volcano Island, na siyang "permanent danger zone."

Umabot sa 64 katao ang inilikas sa probinsya ng Batangas noong nakaraang linggo kaugnay ng seismic activity nito, habang mahigit na binabantayan ang mga mangingisdang pinapayagang pumasok sa Taal Lake.

Volcanic tremor? Ano 'yun?

Ayon sa Pacific Northwest Seismic Network, tumutukoy ang volcanic o harmonic tremor sa tuloy-tuloy na pagyanig ng lupa na sinyales ng "magmatic activity" na pwedeng signos ng pagputok.

Ginagamit ang volcanic tremor bilang babala sa nagbabadyang pagsabog lalo na sa mga nakatira malapit sa bulkan para na rin makalikas sa mas ligtas na lugar.

"This method of prediction has been used successfully to predict the eruptions of Mount St. Helens in the 1980's and the 1991 eruption of Mt. Pinatubo in the Philippines," ayon sa PNSN. — James Relativo

PHIVOLCS TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with