^
Korapsyon imposibleng mawakasan â Duterte
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, bagaman at nangako siya, hindi dapat asahan na magiging malinis na malinis ang burukrasya dahil imposible itong mangyari.
Philstar.com/ File Photo

Korapsyon imposibleng mawakasan – Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na im­posibleng matapos ang korapsyon sa gobyerno.

Ayon kay Duterte, bagaman at nangako siya, hindi dapat asahan na magiging malinis na malinis ang burukrasya dahil imposible itong mangyari.

“I cannot --- do not expect me to entirely clean as a pristine clean the bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable. Pero as we go along our way, marami na tayong -- talagang itong corruption,” ani Duterte.

Pero mabawas-bawasan din naman aniya dahil ilalaan niya ang natitirang buwan ng kanyang pa-nunungkulan sa pagtugis sa mga korap.

“As I have promised the nation, I said I would dedicate the last remaining months of my stay in the Office of the President going after corrupt people. So that by the time na ano, maminus-minus na,” ani Duterte.

Kaugnay nito, inilabas ng Pangulo ang pangalan ng mga napatalsik sa  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa korapsyon.

Ipinag-utos din ni Duterte sa PDEA na patalsikin  ang lahat ng suspendido dahil sa iba’t  ibang kasalanan.

Kabilang dito sina,   Julius Navales – Director III, Administrative Holding Office - Administrative (and) Human Resource Service, na may kasong “misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service”, Erwin Ogario – Director III, Admi-nistrative Holding Office - Administrative and Human Resource Service. Grave misconduct, pinalaya ang isang drug suspect at hindi isinama ang 500 piraso ng ecstasy sa inventory ng ebidensiya.

Kasama rin si Sherwin Herbert Manuel – Intelligence Officer IV. Grave misconduct, “prejudicial to the best interest of the service,”  nanguna rin sa pagpapalaya ng isang drug suspect at hindi rin isinama ang 500 piraso ng ecstasy sa inventory ng ebidensiya.

Talsik din sa posisyon si Reagan Silverio, intelligence officer dahil sa extortion.

RODRIGO ROA DUTERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with