^
Inday Sara giit irekonsidera ang pagtakbo sa 2022 polls
Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, pangulo ng Alyansa ni Inday Sara, muli silang nagsama-sama sa araw ng pagdiriwang ng Edsa Day kahapon para ipanawagan sa Alkalde na baguhin ang desisyon at tumakbo sa susunod na halalan.
Boy Santos

Inday Sara giit irekonsidera ang pagtakbo sa 2022 polls

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan kay Davao City Mayor Sara Duterte ang grupong Alyansa ni Inday Sara na irekonsidera ang pagtakbo bilang Pangu­lo ng bansa sa May 2022 elections.

Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, pangulo ng Alyansa ni Inday Sara, muli silang nagsama-sama sa araw ng pagdiriwang ng Edsa Day kahapon para ipanawagan sa Alkalde na baguhin ang desisyon at tumakbo sa susunod na halalan.

Ito’y matapos ihayag ni Mayor Sara na wala siyang planong kumandidatong Pangulo.

Naniniwala ang grupo ni Sahagun, na kaya ni Mayor Sara na pangasiwaan ang bansa sa tulong na rin ng mamamayan na naniniwala ng pagbabago sa ilalim ng pamunuan nito.

Ang pagka-number 1 anya ni Mayor Sara sa latest OCTA research survey sa hanay ng mga presidentiables ang isa ring nagbigay daan sa kanila para kumbinsihin ang Alkalde na tumakbong pangulo sa Mayo 2022.

Nilinaw naman ni Sa­hagun na walang mala-laking tao o grupo na nag-uudyok sa kanila para suportahan si Mayor Sara kundi ito ay kanilang boluntaryong pagkilos at sarili nilang gastos.

SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with