^
Postponement ng face-to-face classes, ok sa DepEd
Anang DepEd, habang hinihintay pa ang tamang pagkakataon sa muling pagpapabalik sa mga eskwela sa paaralan ay ipagpapatuloy muna nila ang paghahanda ng mga action plans para dito.
The STAR/ Edd Gumban

Postponement ng face-to-face classes, ok sa DepEd

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang Department of Education (DepEd) sa naging desisyon ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muli ang pilot implementation ng face-to-face classes sa bansa.

Ito’y sa gitna pa rin nang nananatiling banta ng COVID-19 at patuloy na pagkaantala ng pagdating sa Pilipinas ng mga bakuna laban dito.

Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na nauunawan nilang mahalagang mabigyan muna ng bakuna ang mga mamamayan laban sa virus bago tuluyang magdaos muli ng face-to-face classes.

Anang DepEd, habang hinihintay pa ang tamang pagkakataon sa muling pagpapabalik sa mga eskwela sa paaralan ay ipagpapatuloy muna nila ang paghahanda ng mga action plans para dito.

“We understand that the availability and roll out of vaccines in the country are critical factors for this undertaking,” sabi pa ng DepEd sa isang pahayag.

Nauna rito, sinabi ng Malacañang na hindi sinang-ayunan ng Pa-ngulo ang planong pagpapatuloy na ng face-to-face classes hanggang sa Agosto dahil sa COVID-19 threat.

Pagdating ng Agosto, ikokonsidera ang phy-sical classes sa mga lugar na may mababang bilang ng impeksiyon.

Una nang sinabi ng DepEd na mayroong 1,904 public schools sa bansa ang natukoy na posibleng mapabilang sa pilot study ng face-to-face classes.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na pinag-aaralan ng DepEd ang panukala na bawasan ang bilang ng mga lalahok na paaralan.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with