^

Duterte pinamamadali ang COVID-19 vaccines rollout - Bong Go

(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go  sa publiko na pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prose­so sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. 

Sa kanyang pagbisi-ta sa Parola, Tondo, Ma­nila matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 361 biktima ng sunog, sinabi ni Go na palaging kinakalampag ng Pangulo ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan para madaliin ang pagbili ng bakuna at maibigay na sa mahihirap.

“Alam n’yo, halos araw-araw po naming pinag-uusapan ni Pangu­long Duterte. Halos araw-araw rin naming kinuku-  lit ang ating mga opisya­les, Vaccine Czar natin (si Sec. Galvez), Sec. Duque, at lahat ng mga opisyales na bilisan na po ‘yung proseso,” ayon kay Go.

“Itong FDA natin naninigurado lang din po sila. Gusto nila ng safety data dahil inuuna natin po ‘yung safety at effi­cacy nitong vaccine... Pero sa totoo lang po, ako po’y nananawagan na bilisan na po lahat,” dagdag niya.

Inamin ni Go na nahaharap ang Pilipinas sa mga hamon sa pagbili ng sapat na bakuna dahil na rin sa limitadong supply nito sa buong mundo. 

“Mismo si UN (Uni-ted Nations) Secretary-General si (António) Guterres po mismo ang nagsabi na hindi po equal dahil, unfortunately, medyo mahirap po ang ating bayan, hindi po tayo nakasama doon sa malalaking mga bansa na nabibigyan na po ng mga bakuna. Pero ginagawa naman po ng gobyerno ang lahat para mapabilis,” ani Go.

Ngunit sinabi ni Go na ang COVAX ay na-ngako na ng 117,000 Pfizer vaccines at 5.5 million doses mula sa AstraZeneca sa bansa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with