^
Roque: COVID-19 vaccine ng Sinovac 'baka iturok sa mga Pinoy sa Lunes'
Binubuhat ng health worker na ito ang supply ng CoronaVac vaccines ng Sinovac sa Sibate, Colombia, ika-24 ng Pebrero, 2021
AFP/Raul Arboleda

Roque: COVID-19 vaccine ng Sinovac 'baka iturok sa mga Pinoy sa Lunes'

James Relativo (Philstar.com) - February 25, 2021 - 3:26pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na na tatlong araw na lang ang aantayin para dumating ang mga unang ligal na doses ng mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang balita ay tiniyak na rin ng Beijing sa pamamagitan ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

"[D]espite po the scarcity of supply, darating po sa Linggo ang Sinovac [sa Pilipinas]," ani Roque sa isang press briefing, Huwebes.

"Ang alam ko po, all we need is one day and we will roll out. If it arrives on Sunday, if I'm not mistaken, then we can roll out on Monday dahil excited na excited na po ang maraming kababayan natin."

Ngunit ayon sa pahayag ng Department of Health at ng National Task Force Against COVID-19, paplantsahin pa raw ang detalye ng rollout ng mga bakuna. Sa ngayon, ang tiyak pa lamang ay na inaasahang dumating ang mga bakunang Sinovac sa Linggo.

Ang 600,000 doses, na siyang idinonate ng gobyerno ng Tsina sa pamamagitan ng kumpanyang Sinovac — ay darating kahit wala pang 1/5 ng populasyon lang ang nais magpaturok ng bakuna — ayon sa bagong pag-aaral ng OCTA Research group.

Dalawang doses ng bakuna ang kailangang iturok sa mga makatatanggap nito bago maging epektibo, dahilan para maging sapat lamang sa 30,000 katao ang unang batch ng Chinese vaccines.

Ang mga 'yan ay unang ibibigay sa mga sumusunod, alinsunod pa rin daw sa itinakdang prioritization ng gobyerno:

  • medical frontliners (250,000)
  • kasundaluhan (50,000)

Una nang sinabi ni Sinovac general manager for Hong Kong Helen Yang kahapon na "isang linggo" pa ang itatagal 

Sa kabila niyan, Pilipinas ang huling makakakuha ng bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region.

Matatandang ipinangako ng Malacañang na darating ang mga bakuna sa "gitna ng Pebrero" pero hindi ito natupad, dahilan para mausog ito ng ika-23 ng Pebrero.

Hindi uli 'yan nasunod hanggang sa nauwi sa huling araw ng buwan ang dating ng bakuna.

Basahin: February 15 arrival date for COVID-19 vaccines just an estimate — DOH

Kaugnay na balita: 600,000 COVID-19 jabs of Sinovac seen to arrive on Feb. 23

Tinatayang darating naman daw sa Marso ang mga gamot mula sa British-Swedish company na AstraZeneca, bagay na ibibigay sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.

Darating naman sa ikalawa at ikatlong kwarto ng 2021 ang dating ng kalakhan ng COVID-19 vaccines na nakagugol para sa Pilipinas.

Healthcare workers pwede pa rin

Sa kabila ng unang babala ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi nila mairerekomenda ang CoronaVac ng Sinovac sa mga healthcare workers na exposed sa COVID-19 patients, hindi naman daw pagbabawalan ang mga manggagamot na maunang mabigyan nito.

"Despite the [emergency use authorization] issued by the FDA, inilinaw po 'yan ni Dr. Domingo na hindi po ipinagbabawal na bigay ito sa health professionals," wika pa ng Palasyo.

"Wala pong pilitan, 'yung gustong mag-antay po ng ibang brands siguro. Ang concession na maibibigay sa kanila is pwede silang humindi at pwede silang mag-antay without losing their priority kasi 'yun naman po ang nakalagay sa EUA. Masusunod naman po ang order of priority."

Kaugnay na balita: FDA: Sinovac vaccine 'not recommended' sa health workers, seniors kahit EUA nakuha

Kaugnay na balita: LIST: Priority population groups for COVID-19 vaccination

Una nang sinabi ng FDA na mas mababa ang efficacy rate ng CoronaVac sa mga manggagawang pangkalusugan na laging exposed sa COVID-19: 50.4%. Malayo ito sa 65.3%-91.2% efficacy rate pagdating sa mga clinically healthy individuals sa pagitan ng edad 18-59.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, umabot na sa 566,420 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 12,129 na ang patay.

COVID-19 VACCINE HARRY ROQUE NOVEL CORONAVIRUS SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with