^
Pinoy nurses palit bakuna!
Nilinaw din ni Roque na walang nakikitang ‘inconsistencies’ sa sinabi ni Bello at sa mga naunang pahayag ng gobyerno na sapat ang makukuhang bakuna.
The STAR/Walter Bollozos, file

Pinoy nurses palit bakuna!

Malou Escudero, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Inihainng DOLE

MANILA, Philippines — Walang nakikitang masama ang Malaca­ñang sa panukala ni Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na magdeploy ng mga Pinoy nurses sa bansang Germany at UK kapa-lit ng may 600,000 COVID-19 vaccine.

Nilinaw din ni Ro-que na walang nakikitang ‘inconsistencies’ sa sinabi ni Bello at sa mga naunang pahayag ng gobyerno na sapat ang makukuhang bakuna.

Idinagdag ni Roque na walang masama kung mas maraming suplay ng bakuna ang makuha ng bansa.

“Wala pong inconsistencies sa mga si-nabi ni Secretary Bello at (DFA) Secretary (Ted­­dy­­boy) Locsin at sa sinabi ko. Nag-order po tayo ng sapat, sobra sobra pa, 90 million, sinobrahan pa nga natin. Pero siyempre kung mas maraming supply ang makukuha natin, bakit hindi?” ani Roque.

“This is an idea of Secretary Bello. Wine-welcome natin ito because more is better than less,” ani Roque.

Kinontra naman ito ng ilang senador.

Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, ang nasabing plano ng DOLE ay dahil lang sa pagkadesperado dahil sa kawalan ng bakuna laban sa coronavirus sa bansa.

Giit pa ni Drilon, ang nasabing hakbang ay maling polisiya at maaaring magkaroon ng bad precedent at senyales ng pagka-desperado ng bansa.

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Sen. Joel Villanueva, dahil kung ginawa lamang umano ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang tungkulin ay hindi sana mapipilitan ang DOLE na dumiskarte.

Nabatid na agad namang tinutulan ng UK ang panukalang ito ni Bello, ayon kay Ambassador Daniel Pruce.

“I’d say we’ve got no plans to link vaccines with those conversations around the recruitment of nurses,” dagdag pa ni Pruce.

COVID-19 VACCINE DOLE HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with