^
19 percent lang ng mga Pinoy ang gustong magpabakuna â OCTA
Ayon sa survey, umaabot naman sa 46 percent ang ayaw magpabakuna at 35 percent ang undecided.
STAR/Walter Bollozos, file

19 percent lang ng mga Pinoy ang gustong magpabakuna – OCTA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot lamang sa 19 porsiyento ng mga Pinoy ang nais na magpabakuna kontra COVID-19 batay sa latest survey na isinagawa ng OCTA research team.

Ayon sa survey, umaabot naman sa 46 percent ang ayaw magpabakuna at 35 percent ang undecided.

May 1,200 katao na may edad 18-anyos pataas ang tinanong hinggil dito ng OCTA mula January 26 hanggang February 1.

Mababa naman ang kumpiyansa ng mga Pinoy na mabakunahan ng Sinovac vaccine ng China na unang darating sa ating bansa para sa pagbabakuna.

Sa mga ayaw magpabakuna ay mula sa Luzon at Visayas at sinundan ng mga taga NCR at Mindanao.

Ayon sa OCTA Research Team dapat ay gumawa ng massive info campaign ang pamahalaan tungkol sa bakuna upang makumbinsi ang nakararaming Pinoy na magpabakuna para maingatan ang kanilang kalusugan laban sa virus.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with