^

Mga nurse umalma sa panukala na i-barter sila kapalit ng bakuna

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalmahan ng grupong Filipino Nurses United (FNU) ang panukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magpadala ng mga health workers sa United Kingdom at Germany kapalit ng pagbibigay ng suplay ng COVID-19 vaccine.

“We are being traded by the government like export products?” ayon sa Facebook post ng grupo kahapon.

Samantala, inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary at spokesperson Ma. Rosario Vergeire na hindi sila nakonsulta ng DOLE sa naturang panukala at walang pormal na impormasyon na ipinarating sa kanila.

“Sa tingin ko ay magkakaroon ng pag-uusap diyan at dapat idulog sa IATF kung sakaling may ganitong proposal o plano na kailangang gawin because of vaccines,” ayon pa kay Vergeire sa virtual forum kahapon.

Sa huli, nasa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na umano ang magdedesisyon ukol dito.

Sa nasabing proposal ng DOLE, hinihiling umano ng UK at Germany na tanggalin ang cap sa pagtatalaga ng mga healthworkers na nasa 5,000. Para umano ito mangyari, hiniling nila sa naturang mga bansa na magpadala ng mga bakuna para sa Pilipinas.

COVID-19 VACCINE DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with