^
9 babaeng suicide bombers, arestado sa Sulu
Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, ihahain nila ang search warrants Jolo, Indanan, at Patikul, sa Sulu na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na babaeng potential suicide bombers na may kaugnayan sa Abu Sayyaf Group.
Philstar.com/File photo

9 babaeng suicide bombers, arestado sa Sulu

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang siyam na babaeng pinaniniwalaang mga suicide bom­bers sa magkakasabay na operasyon noong Biyernes, sa Sulu.

Ayon kay  Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, ihahain nila ang search warrants Jolo, Indanan,  at Patikul, sa Sulu  na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na babaeng potential suicide bombers na may kaugnayan sa Abu Sayyaf Group.

Nadakip sa Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu si Elena Tasum Sawadjaan-Abun @Iling, a.k.a Elena Tasum, 40, anak ng namatay na Abu Sayyaf Group leader na si Hatib Hajan Sawadjaan at biyuda ng sub-leader na si Walid Abun; Linda Darun Maruji, alyas  Appuh Yayang, 66, kapatid ni  Hajan Sawadjaan; Firdauzia Said, alyas Firdausia Salvin, biyuda ng sub-leader Mannul Said; Risa Jalil, misis ng ASG member na si Nasser Sawadjaan Hadjail, alyas Labah; Sharifa Rajani, alyas Indah Wida/Widz, misis ng ASG member Mukti, alyas Mufti, ni Hajan Sawadjaan.

Nakumpiska sa mga ito ang Improvised Explosive Device components kabilang  ang isang energizer 9V battery na may battery snap, isang non-electric blasting cap, backpack, Ammonium Nitrate Fuel Oil (ANFO), detonating cord, 2.5 inches G.I. pipe, 184 pieces 1-inch concrete nails, at dalawang android phones.

Nadakip  naman sa Zone 3, Brgy.  Tulay, Jolo, Sulu sina Nudzha Ismani Aslun, alyas  Nudz/Akih, 26, biyuda ng ASG member  na si Jabar, alyas Javz, isa sa mga followers ng  sub-leader na si Mundi Sawadjaan; at Nurshahada Isnain, alyas Dah, 19, misis ng ASG member na si  alyas Akram, isa mga  trusted followers ng sub-leader na si Mundi Sawadjaan.

Nakumpiska naman sa mga ito ang isang push button switch, isang Eveready 9V battery na may battery snap, isang non-electric blasting cap, backpack, ammonium nitrate, detonating cord, 2.5 inches G.I. pipe, 340 piraso ng 1-inch concrete nails, hand grenade MK2 High Explosive, booklet ng “Jihad Fil Sabilillaah”,  ilang  ID at sketch ng  terror plan.

Hindi rin nakaligtas sa target sa Barangay Bangkal, Patikul sina Isara Jalmaani Abduhajan, 36, at Jedah Abduhajan-Amin, 28  mga anak ng  namatay na si  Hajan Sawadjaan.

Ayon sa ulat, desperado na ang  terorista na maghasik ng  gulo kaya isinasakripisyo na rin ang kanilang mga pamilya.

Inaalam na rin ng militar ang natatanggap na pinansiyal na tulong ng teroristang Abu Sayyaf mula sa international terrorist group. — Rhoderick Beñez

AFP PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with