^
Duterte: âKonti pang panahonâ
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, step-by-step ang proseso at nais munang unahin ng Pangulo ang masimulan ang pagpapabakuna ng mga mamamayan laban sa COVID-19.
The STAR/Boy Santos, File photo

Duterte: ‘Konti pang panahon’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Sa rekomendasyong MGCQ

MANILA, Philippines — Humihingi pa ng konting oras si Pangulong Rodrigo Duterte bago aprubahan ang panukalang ilagay ang buong bansa sa pinakamaluwag na modified general community quarantine, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon kay Nograles, step-by-step ang proseso at nais munang unahin ng Pangulo ang masimulan ang pagpapabakuna ng mga mamamayan laban sa COVID-19.

“The President is just asking for a little more time because again, ang step-by-step process para sa kaniya is vaccination rollout muna,” ani Nograles.

Nakatitiyak si Nograles na magdedesisyon ang Pangulo na ilagay ang buong bansa sa MGCQ sa sandaling magsimula na ang proseso ng pagbabakuna.

“Let’s wait and let’s see. ‘Pag good and successful rollout of the vaccination, makita lang na nagsimula iyong vaccination program na may mga nakakuha na ng bakuna... then he will make the decision about the MGCQ for the entire country,” ani Nograles.

Inanunsiyo ng Malacañang noong Lunes na nagdesisyon si Duterte na huwag munang ilagay ang buong bansa sa MGCQ hangga’t hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna.

KARLO NOGRALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with