^
Manhunt inilunsad vs 9 Jolo cops
Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, nagpatulong na sila sa PA para sa pagdakip sa siyam na pulis na kinabibilangan nina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat. Rajiv Putalan na sinampahan ng four counts ng murder at planting of evidence. Walang piyansang inirekomenda ang korte sa kaso.
PIO NCRO via Facebook

Manhunt inilunsad vs 9 Jolo cops

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

PNP nagpaayuda na sa Army

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa na ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa pagtugis sa siyam na pulis ng Jolo, Sulu na sangkot sa pamamaril at pagpatay sa apat na sundalo noong nakaraang taon.

Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas, nagpatulong na sila sa PA para sa pagdakip sa siyam na pulis na kinabibilangan nina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat. Rajiv Putalan na sinampahan ng  four counts ng murder at planting of evidence. Walang piyansang inirekomenda ang korte sa kaso.

Ang siyam na pulis ay sinasabing responsable sa pagkamatay ng mga intelligence operatives ng militar noong Hunyo 20, 2020 na kinabibilangan nina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38, at Cpl. Abdal Asula, 33.

Sinabi ni  Sinas na patuloy  ang kanilang pakikipagda­yalogo sa mga suspek subalit hindi pa desidido ang mga ito sa kanilang pagsuko kaya nagbigay na rin sila ng  kopya ng  arrest warrant sa  PA upang malaman ang kanilang pinagtataguan.

Giit ni Sinas, hindi dapat na mangamba sa kanilang seguridad ang mga pulis dahil tinitiyak niya ang kaligtasan ng mga ito sa loob ng  Camp Crame.

Aniya, kung patuloy ang mga ito sa kanilang pagtatago patuloy din ang manhunt ope­ration laban sa kanila  at hindi  niya  magagarantiyahan ang kanilang seguridad habang nagtatago sa batas.

Maliban sa PA, nagbigay din ng  warrant of arrest  ang  PNP  laban sa siyam na pulis sa National Bureau of Investigation (NBI).

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with