^

Bansa

Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas 'highest sa nakaraang 106 araw'

Philstar.com
Bagong hawa ng COVID-19 sa Pilipinas 'highest sa nakaraang 106 araw'
Naglalakad sa tapat ng saradong Rosario Maclang Bautista General Hospital ang babaeng ito sa Batasan, Quezon City, ika-14 ng Abril, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nai-record ang nasa 2,288 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas ngayong Lunes ayon sa Department of Health (DOH), bagay na nag-aakyat ng kabuuang bilang ng nahawaan sa Pilipinas sa 563,456.

Nangyari 'yan dalawang araw matapos makapagpasok ng 2,240 new cases sa Pilipinas na nagpapakita ng panibagong spikes sa local cases.

Kasabay niyan, 28,488 ang nananatiling aktibong COVID-19 cases sa bansa, o yaong hindi pa gumagaling o namamatay sa virus.

Binawian naman ng buhay ang karagdagang anim na pasyente katao dahil sa parehong sakit kung kaya't 12,094 na ang patay dahil dito. Umabot na sa 522,874 ang mga ligtas na sa panganib simula nang mag-recover mula sa nakamamatay na sakit.

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong ika-22 ng Pebrero ang pinakamalaking itinalon sa bagong kaso ng COVID-19 sa iisang araw lamang (2,288) sa nakaraang lagpas tatlong buwan. Huling nakapagtala ng mas mataas na daily increase noong ika-8 ng Nobyembre, 2020 sa bilang na 2,442.
  • Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kanina, inaaral na nila ngayon kung may kinalaman sa "bago at mas nakahahawang COVID-19 variant" ang panibagong spikes sa local cases: "So far, wala pang malinaw na conclusion... Patuloy ang analysis at pagsusuri na ginagawa," ani Duque.
  • Sa kabila ng takot na lalo pang tumaas ang tumataas na ngang COVID-19 cases nitong mga nakaraan, pinalagan naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang mga nagsasabing "matira matibay" ang kalalabasan oras na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakalauwag na modified general community quarantine (MGCQ) sa buong Pilipinas pagsapit ng Marso 2021: "Hindi naman tama 'yon... Sinisigurado naman natin na mataas ang kakayahan natin na magbigay ng medical attention sa mga magkakasakit." Nais ngayon ng IATF na gawin ito upang makabawi na ang ekonomiya sa pinsala ng mga lockdown.
  • Inaprubahan naman ngayong araw ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa COVID-19 vaccines ng Chinese drug maker na Sinovac. Sa kabila niyan, hindi nila ito mairerekomenda sa mga healthcare workers at senior citizens.
  • Umaabot na sa lagpas 103.4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng WHO. Sa bilang na 'yan, 2.24 milyon na ang patay. 

— James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with