^

Bansa

Nadali ng COVID-19 sa bansa pumalo sa 557,058, kaso nadagdagan ng 1,901

Philstar.com
Nadali ng COVID-19 sa bansa pumalo sa 557,058, kaso nadagdagan ng 1,901
Litrato ng mga maskaradong taong nagkakalad sa pedestrian lane sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Ini-report ng Department of Health (DOH) ang nasa 1,901 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Biyernes, dahilan para pataasin nito ang kabuuang bilang ng nadali ng nakamamatay na sakit sa 557,058.

Nasa 32,440 diyan ang itinuturing na "aktibong kaso," o 'yung mga hindi pa gumagaling o namamatay sa virus.

Sumipa naman sa 157 ang kayayao pa lang sa COVID-19, dahilan para tumalon patungong 11,829 lahat-lahat ng mga pumanaw dito sa bansa. Ligtas naman na sa karamdaman ang nasa 512,789 na dati'y nadali ng pathogen.

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw ang pinakamataas na naiulat na bilang ng pagkamatay (157) sa COVID-19 sa Pilipinas simula pa noong ika-14 ng Setyembre, kung saan 259 ang binawian ng buhay.

 

 

 

  • Humingi naman ng tawad sa publiko si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ngayong araw dahil na rin sa mabagal na pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas laban sa sa pathogen, bagay na kanyang ginawa habang nakakapagturok na ang mga karatig na bansa.

 

  • Nakatakda namang magpasa ang Konggreso ng panukalang makapagpapabilis sa pagkuha ng COVID-19 vaccines pagsapit ng Lunes, bagay na kinumpirma nina House Speaker Lord Allan Velasco at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

 

  • Sa bagong pag-aaral na inilabas ng journal na Scientific Reports, lumalabas na aabot sa "20.5 milyong taon ng buhay na ang nawala" dahil sa dami ng biglaang pagkamatay sa pandemya.

 

  • Umaabot na sa halos 109.6 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization (WHO). Sa bilang na 'yan, 2.42 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with