^
MMDA inaaral kung iligal ang 'Run, Sara, Run' banners sa Metro Manila
Tarpaulin sa Cordillera na humihimok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang presidente sa 2022 elections, ika-18 ng Pebrero, 2021
The STAR/Andy Zapata Jr.

MMDA inaaral kung iligal ang 'Run, Sara, Run' banners sa Metro Manila

(Philstar.com) - February 18, 2021 - 7:55pm

MANILA, Philippines — Inaaral na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung ligal ba o hindi ang mga nagkalat na paskil sa Kamaynilaan na humihimok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang presidente sa darating na 2022 election.

Ilan sa mga nasabing banners ay makikita sa EDSA kanto ng East Avenue sa Quezon City, maging sa mga footbridge ng Quezon Avenue kanto ng Delta, Quezon Avenue, kanto ng Capitol Medical­ Center, Edsa Cubao at Tutuban Center sa Maynila.

Basahin: Mga tarpolina ng ‘Run Sara Run’, nagkalat sa Metro Manila

Iimbestigahan na raw nina MMDA chair Benhur Abalos ang ligalidad ng mga ganitong campaign materials na humihimok sa anak ni Pangulong Duterte na tumakbo sa 2022, sabi ng state-run Philippine News Agency, Huwebes.

Ayon naman kay MMDA spokesperson Celine Pialago kanina, inaalam pa nila kung kanino kumuha ng permiso ang mga nagkabit ng sari-saring electoral materials sa mga nasabing footbridge.

MMDA na raw mismo ang magtatanggal ng mga nasabing tarpaulins kung mapatutunayang walang permit ang mga ito, ani Pialago sa ulat ng dzBB.

Umabot na ang mga kontrobersyal na  kahit sa rehiyon ng Cordillera, sa pangunguna ng grupong United Benguet, Huwebes.

Members of the United Benguet, who are supporters of Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, distributed shirts imprinted...

Posted by Philippine Star on Thursday, February 18, 2021

Walang violation?

Bagama't kontrobersyal dahil nakikita ng ilan bilang maagang pangangampanya, una nang ipinaliwanag ng Commission on Elections (Comelec) na "walang paglabag sa batas" ang mga ganitong uri ng political propaganda.

"[A]dvertisements or posters of potential candidates are not violations because it is not election period. [W]ill revisit the rules," ani Comelec Commissioner Rowena Guanzon kahapon.

Aminado naman si Comelec spokesperson James Jimenez na electoral win man ng isang posibleng kandidato ang hangad ng mga ito, hindi pa "raw" ito pasok sa ligal na pakahulugan ng pangangampanya.

"Those tarpaulins do seek to promote the electoral win of Mayor (Sara) Duterte, but she herself isn’t a candidate yet. This means that although many would consider it a form of campaigning, it would actually fall short of the legal definition of campaigning, let along premature campaigning," sabi niya sa pahayag sa reporters.

"Therefore, there appears to be no violation of election laws or campaign rules. Anyone, in fact, can do the same thing."

Kaugnay na balita: Voters urged: Junk pols in premature campaigning

Kung ligalidad at ligalidad ang pag-uusapan, ika-8 ng Pebrero hanggang ika-7 ng Mayo, 2022 pa ang nakatalagang campaign period para sa May 9 polls ng taong 'yun.

Una nang hinimok ni Jimenez ang publiko na gamitin ang social media para pigilin ang mga pulitikong maagang nangangampanya, gayunpaman ginagawa lang daw ito ng netizens sa mga pulitikong ayaw nila.

Matatandaang 2018 nang irekomenda ng Senado na gawin nang krimen ang "premature campaigning" ng mga kandidato. Sa kabila niyan, naninindigan ang Supreme Court na walang iligal dito sa ngayon— James Relativo

COMELEC METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY RODRIGO DUTERTE SARA DUTERTE-CARPIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with