^
MGCQ itinutulak ng Metro Manila mayors simula ika-1 ng Marso
Nakapila ang mga mananampalatayang Katoliko sa isang simbahan sa Maynila, ika-17 ng Pebrero, 2021, habang nagmi-misa kaugnay ng "Ash Wednesday"
AFP/Jam Sta. Rosa

MGCQ itinutulak ng Metro Manila mayors simula ika-1 ng Marso

James Relativo (Philstar.com) - February 18, 2021 - 12:47pm

MANILA, Philippines —  Bagama't hati, karamihan ng mga alkalde sa National Capital Region ay pabor ilagay sa pinakamaluwag na quarantine restriction ang punong rehiyon 11 araw mula ngayon.

Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

Sa ulat ng The STAR, siyam na Metro Manila Mayors ang nanawagan sa modified general community quarantine (MGCQ), pagsisiwalat ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

Malapit ngunit mas marami 'yan sa walong NCR mayors na nais mapanatili ang general community quarantine (GCQ).

Dahil diyan, irerekomenda na ng Metro Manila Council ang MGCQ sa Kamaynilaan simula ika-1 ng Marso, 2021.

Una nang inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang MGCQ sa buong bansa simula Marso para na rin "matugunan ang gutom" at "tama sa kabuhayan" ng mahahabang lockdowns sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

"We need to shift as soon as possible to MGCQ for the entire Philippines. We hope starting March 1, 2021, so we can address the high percentage of Filipinos who are experiencing hunger," ani NEDA director general Karl Chua.

"We are not saying that we should reopen the economy without minding the number of COVID cases. We have to do both."

Basahin: NEDA wants MGCQ for entire country in March

Kaugnay na balita: Reopening of cinemas pushed back to March, subject to LGU rules

Handa na ba sa MGCQ?

Kahapon lang nang batikusin ng Bayan Muna party-list ang nasabing panukala lalo na't "delikado" raw ito hangga't hindi pa dumarating ang mga bakuna laban sa COVID-19 — bagay na dapat dumating na kalagitnaan ng Pebrero.

"[This] may only compromise the safety and health of our people if there are still no free mass vaccination and testing against COVID-19 being done in the country," ani House Deputy Minority leader Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna) noong Miyerkules.

"The question is what is keeping the COVID vaccines from coming when they should have arrived already according to the Department of Health? Is the national government still waiting for preferred suppliers, like those vaccines from China to come first so that they would be the ones that would be primarily used?"

Marso 2020 pa lang ay nanawagan na ng libreng mass testing at seryosong contact tracing ang mga militanteng grupo laban sa COVID-19. Gayunpaman, libu-libo pa rin ang singil diyan sa ngayon kahit na sa government facilities na nagsasagawa ng testing.

Sa ngayon, mas mainam daw na unahin na lang ang "full return" ng public transportation gaya ng public utility jepneys, maliban pa sa P10,00 relief sa mga naapektuhan ng lockdowns.

"When the vaccines come and the immunizations start, then that is probably the proper time to talk about MGCQ," dagdag ni Zarate.

"If these are not done, we will be locked down our whole life because COVID infections and its variants would become a perennial problem. We cannot just attain herd immunity by opening  up too soon without the needed vaccines and the continuous mass testing and serious contact tracing, among others." — may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

BAYAN MUNA PARTY-LIST METRO MANILA METRO MANILA COUNCIL MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE NATIONAL CAPITAL REGION NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with