^
'Auring' tinatayang sasagasa sa Caraga sa Sabado
Kuha ng bagyong Auring 715 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ika-18 ng Pebrero, 2021
https://earth.nullschool.net/

'Auring' tinatayang sasagasa sa Caraga sa Sabado

James Relativo (Philstar.com) - February 18, 2021 - 10:30am

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglapit ng Tropical Depression Auring sa Philippine landmass ngayong araw habang tinataya pa itong lumakas nang husto bukas, ayon sa pagtataya ng PAGASA.

Namataan bandang 3 a.m. ang bagyong Auring 715 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

May dala itong lakas ng hangin na papalo hanggang 55 kilometro kada oras at bugsong aabot sa 70 habang mabagal naman ang paggapang nito sa direksyong pakanluran.

"Possible, within the next 24 hours or bukas nang madaling araw, ay tropical storm na ito," ani Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA, Huwebes.

"At makikita natin na magla-landfall ito, based on our latest track, [gabi ng Sabado o] sa madaling araw po ng Linggo particularly sa Caraga Region."

Tinatayang tatawid ang sama ng panahon sa malaking bahagi ng Visayas matapos dumaan sa Caraga habang maaapektuhan naman ang Timog Luzon, partikular ang Kabikulan, MIMAROPA at CALABARZON pagsapit ng Linggo hanggang Lunes.

Posible din ang mauulap na kaulapan sa Kamaynilaan sa oras na 'yan. Nakikitang nasa West Philippine Sea na ito sa Martes.

Sabado hanggang Lunes ay magdadala naman ng mga pag-ulan ang bagyo sa mga sumusunod na lugar:

  • Visayas
  • Caraga Region
  • Northern Mindanao
  • Davao Oriental
  • Davao de Oro
  • Davao del Norte
  • Lanao del Sur
  • Bicol Region
  • MIMAROPA
  • Calabarzon

Maaaring magkaroon ng mga katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan diyan habang pinag-iingat naman ang mga nasa mabababang lugar daw sa posibilidad ng mga pagbaha.

"Sa mga malapit po sa ilog, posible pong umapaw 'yung ilog... bahain din 'yung mga lugar doon, at sa mga bulubundukin na lugar naman possible po 'yung pagguho ng lupa," dagdag pa ni Estareja.

Aabot ng Signal no. 2?

Wala pang Tropical Cycle Wind Signal (TCWS) na itinataas sa ngayon ang state weather bureau. Gayunpaman, pwedeng-pwede itong mangyari pinakamaaga simula bukas.

"As early as Friday, posible tayong magkaroon ng signal no. 1 sa mga probinsya ng Caraga Region at Davao Region. Other areas in Mindanao, gayun din ang Visayas and Southern Luzon, possible din magkaroon ng Tropical Cycle Wind Signals no. 1 and 2. Sa weekend 'yan hanggang sa Lunes," saad pa ni Estareja.

"At 'pag meron na po tayong signal no. 1, bawal nang pumalaot anumang uri ng sasakyang pandagat."

AURING PAGASA TROPICAL DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with