^

Compensation package sa makakaranas ng seryosong side effects sa bakuna, pinag-uusapan na ng PhilHealth officials

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatalakayin na ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang posibleng compensation package na ipagkakaloob sa mga COVID-19 vaccine recipients na posibleng makaranas ng seryosong serious side effects ng bakuna.

Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, magpupulong ang PhilHealth Board sa Huwebes upang pag-usapan ang naturang isyu.

Tiniyak naman ni Gierran sa publiko na mayroong pondo ang PhilHealth para sa pagpapagamot sa mga taong posibleng makaranas ng vaccine-related injuries.

“This coming Thursday, idi-discuss iyan sa [PhilHealth] Board,” ani Gierran, sa Laging Handa virtual briefing.

“Mayroon tayong pera, mayroon tayong reserve fund for that,” aniya pa.

Una rito, tiniyak ng Department of Health (DOH) na sa pamamagitan ng PhilHealth ay pagkakalooban ng pamahalaan ng kumpensasyon ang mga COVID-19 vaccine recipients na posibleng makaranas ng seryosong side effects ng bakuna.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with