^
30 vaccination site sa AFP camps aprub sa DOH
Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, naisumite at naaprubahan na ng DOH ang 30 lugar ng warehouse bilang paghahanda sa lugar transportasyon ng mga bakuna.
AFP/Joel Saget

30 vaccination site sa AFP camps aprub sa DOH

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang nasa 30 vaccination sites sa loob ng military camps COVID-19 vaccination rollout.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, naisumite at naaprubahan na ng DOH ang 30 lugar ng warehouse bilang paghahanda sa lugar transportasyon ng mga bakuna.

Aniya, unang inirekomenda ng AFP ang 46 vaccination sites subalit 30 pa lamang ang naaprubahan. Nilinaw ni  Arevalo na iniinspeksiyon at in-evaluate muna ng DOH upang matiyak ang seguridad at kalidad ng mga bakuna.

Sinabi ni Arevalo na may standard requirements ang DOH  para sa vaccine sites.

Dagdag pa ni  Arevalo,  titiyakin nila ang seguridad ng vaccines at inoculation teams, gayundin ng mga  medical at health care workers para sa transportasyon ng  COVID-19 vaccine.

“Handang-handa na po ang inyong Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa ating gagawing pagsuporta sa vaccination plan po ng ating pamahalaan,” ani Arevalo.

Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez na sisimulan na ngayong buwan ang pamamahagi ng vaccine sa bansa.

AFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with