^
Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19
Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask.
The STAR/Edd Gumban

Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019.

Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask.

Kapag isang dispo-sable mask lang ang isi-nuot, mapoprotektahan nito ang isang indibidwal ng 42% lamang kontra sa mga droplets. Tataas ito sa 92.5% kung pagsasamahin ang cloth mask sa ibabaw ng medical mask.

Hinikayat din ng CDC ang publiko na tiyakin na naka-fit ang mga masks sa mukha para tuluyang hindi makakapasok ang virus. Ipinayo nila na gumamit ng masks na may nose wire para maging ‘snug fit’ at ibuhol ang ear loops para protektado ang gilid.

Hindi naman umano kailangan na dobleng surgical mask ang gamitin at hindi rin kailangan na ipandoble ang KN95 mask.

CDC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with