^

Bansa

Sundalo, pulis unahin sa China vaccine - Duterte

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sundalo, pulis unahin sa China vaccine - Duterte
Bukod sa mga sundalo at mga kapulisan ay inirekomenda rin umano ng senador sa Pangulo at kay Galvez na isama sa prayoridad na bakunahan ang mga atleta na sasabak sa summer olympics sa Japan at SEA games sa Vietnam.

MANILA, Philippines — Ipinag-utos umano ni Pangulong Duterte na unahing bakunahan ang mga sundalo at mga kapulisan ‘pag dumating na sa bansa ang bakunang donasyon ng China na Sinovac.

Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go, na pinagbilinan siya ni Pangulong Duterte na sa sandaling dumating ang Sinovac ay gawing prayoridad na bakunahan ang mga sundalo at mga kapulisan.

Ayon pa kay Go, ito ang gusto ng Pangulo dahil kabilang din ang mga sundalo sa mga itinuturing na frontliners.

Idinagdag pa ni Go, na base kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ay inaayos na ang mga papeles ng AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX, subalit mayroon lamang iko-comply ang gobyerno dito.

Mauuna pa rin umano ang mula sa Pfizer na bahagi pa rin ng COVAX at ang kasunod ay ang Sinovac na mula sa China.

Bukod sa mga sundalo at mga kapulisan ay inirekomenda rin umano ng senador sa Pangulo at kay Galvez na isama sa prayoridad na bakunahan ang mga atleta na sasabak sa summer olympics sa Japan at SEA games sa Vietnam.

Ito ay dahil kailangan na umanong magsanay ng mga atleta na magbibigay ng karangalan sa bansa.

Base sa pag-aaral, mas higit na epektibo para sa coronavirus na ginawa ng Pfizer-Bionte3ch at Moderna na mayroong 95% efficacy, gayundin ang Sputnik V ng Russia na 91% efficacy habang ang AstraZeneca ay 70%, Sinovac 50.4% at Sinopharm, 79.34% efficacy.

vuukle comment

PULIS

RODRIGO DUTERTE

SUNDALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with