^
Malacañang hinihintay na mahimasmasan si Magalong
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, na sa tingin niya ay mahihimasmasan si Mayor Ma­galong at ipagpapatuloy pa rin ang nasimulan bilang contact tracing czar dahil wala pa silang nakukuhang kapalit nito.
Geremy Pintolo, file

Malacañang hinihintay na mahimasmasan si Magalong

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaasa pa rin ang Malacañang na magbabago ang isip ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na naghain ng kanyang pagbibitiw bilang contact tracing czar.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, na sa tingin niya ay mahihimasmasan si Mayor Ma­galong at ipagpapatuloy pa rin ang nasimulan bilang contact tracing czar dahil wala pa silang nakukuhang kapalit nito.

Si Magalong ang sinasabing author ng contact tracing formula ng gobyerno. Naghain ito ng kanyang irrevocable resignation matapos na dumalo sa isang party sa Baguio City kung saan may nangyari umanong paglabag sa safety protocols.

Nilinaw naman ni Roque na sa resignation letter ni Magalong ay walang nakalagay na irrevocable resignation kaya subject to acceptance pa rin ito at hindi pa ito tinanggap ng National Task Force.

Wala pang opisyal na pahayag si Magalong kung itutuloy niya ang kanyang pagbibitiw bilang contact tracing czar.

BENJAMIN MAGALONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with