_ngayon
^

Maigting na info campaign sa child car seat law, hiling

(Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga kinauukulan na mag­lunsad muna ng maigting na information, education at communication campaign sa Republic Act 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act bago ito iimplementa.

“Nakausap ko rin si Pangulong (Rodrigo) Duterte. Sang-ayon siya dahil mahirap pa ang panahon... Maraming naghihirap na mga tao,” ani Go.

Ayon kay Go, nakipag-usap siya kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Land Transportation Office chief Edgar Galvante para personal na hilingin na  i-postpone muna ang implementasyon ng batas dahil sa pandemya.

“Alam n’yo ‘yung batas na ‘yan, pinasa na po ‘yan nung February 2019. Meron na pong Implementing Rules and Regulations at dapat pong iimplementa na ang IEC campaign noong naka­raang taon. Dahil inabot ng pandemic, ‘di natuloy,” anang senador.

“Kinausap ko (noong Martes) sina Secretary Tugade at Assistant Secretary Galvante at sumang-ayon naman po sila na suspendido muna at by phases po ang gagawin. Walang huhulihin, walang penalties, no apprehension. Walang kukuning mga lisensya dito sa batas na ito,” idinagdag ni Go.

Ang edad at taas ng bata na sakop ng batas, gayundin ang ipapataw na parusa sa lalabag at ang standard car seat na gagamitin ay idedetermina pa habang isinasagawa ang awareness campaign para maunawaan ito ng publiko.

Nabatid na ang LTO ay magsasagawa ng information, education, at communications campaign ng 3-6 buwan bago ito ipatupad.

Base sa data ng Phi­lippine Statistics Autho­rity, 17 percent o 12,000 ng kabuuang road crash victims simula 2006 hanggang 2014 ay bata.

 

LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with