_ngayon
^

Bansa

Libreng dialysis sa seniors lusot na sa House panel

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Libreng dialysis sa seniors lusot na sa House panel
Alinsunod sa House Bill (HB) 7859 o ang ‘Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2020” na inakda ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong“ Ordanes, ang PhilHealth ay ire-reimburse ang gastusin ng senior citizens sa hemodialysis, peritoneal dialysis at iba pang uri ng dialysis na inaprubahan ng Department of Health (DOH) basta’t isinagawa ito sa mga accredited hospital at freestanding dialysis centers ng state health insurer.
Miguel De Guzman/File

MANILA, Philippines — Nakalusot na sa House panel ang libreng dialysis para sa mga senior citizens sa bansa.

Alinsunod sa House Bill (HB) 7859 o ang ‘Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2020” na inakda ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong“ Ordanes, ang PhilHealth ay ire-reimburse ang gastusin ng senior citizens sa hemodialysis, peritoneal dialysis at iba pang uri ng dialysis na inaprubahan ng Department of Health (DOH) basta’t isinagawa ito sa mga accredited hospital at freestanding dialysis centers ng state health insurer.

Sinabi ni Ordanes, na 90 dialysis session ang kasalukuyang sinasagot ng PhilHealth mula sa kabuuang 144 session.

Nangangahulugan ito, na para mabuhay ang isang senior citizens na may sakit sa kidney o bato ay kaila­ngan nito ng P135,000 kada taon na masyado umanong mabigat sa 10 milyong seniors na karamihan ay hindi na nagtatrabaho at nakadepende lamang sa kanilang tinatanggap na maliit na pensiyon.

Magugunita na itinaas ng PhilHealth ang bilang ng mga sasaguting gastusin sa dialysis sessions sa 144 pero hanggang Disyembre 31,2020 lamang ito dahil marami ring hindi pa pasok sa senior citizens ang kanilang ginagastusan.

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with