_ngayon
^

Bansa

'Face-to-face campaign ban'? COVID-19 vaccinations this month na — Palasyo

James Relativo - Philstar.com
'Face-to-face campaign ban'? COVID-19 vaccinations this month na â Palasyo
Sa undated photo na ito bago ang COVID-19 pandemic, makikitang nangangampanya ang kandidatong ito sa harap ng madla bago ang eleksyon
The STAR, File

MANILA, Philippines — Masyado pang maaga para sabihing pagbabawalan ng gobyerno ang harapang pangangampanya para sa 2022 elections dahil sa paparating na bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), paliwanag ng Malacañang ngayong araw.

Kamakailan nang sabihin ng Commission on Elections (Comelec) na baka ibawal ito para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, bagay na pinalagan dahil sa kamahalan ng pangangampanya sa telebisyon, radyo, atbp.

Basahin: Comelec may ban face-to-face campaign for 2022 polls

May kinalaman: Planong 'face-to-face campaign ban' pinalagan, papabor daw sa kandidatong mayaman

"I think it's too early because we're about to start our innoculation campaign," banggit ni presidential spokesperson Harry Roque, Huwebes sa isang press briefing.

"We respect that the Comelec is the constitutional body tasked with the holding and supervision of elections, but I'm sure the issue will be discussed beyond Comelec and will include also the [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases]."

Inaasahang darating sa Pilipinas ang sari-saring bakuna laban sa COVID-19 ngayong Pebrero, na siyang unang igugulong sa apat na ospital sa Metro Manila para sa mga healthcare workers.

Basahin: Health workers of 4 Metro Manila hospitals will be first to get COVID-19 jabs

May kinalaman: Kilalanin: Unang 25-M Pinoy na tuturukan ng COVID-19 vaccine ayon sa sektor

Ang susunod na eleksyon ay mangyayari sa Mayo 2022, bagay na pangungunahan ng iba't ibang pangangampanya. Karaniwang nagkakaroon ng mga harapang pangangampanya, kamayan at abutan ng campaign propaganda bago ang halalan na posibleng maging espasyo para sa COVID-19 transmission.

"We are aiming to vaccinate 100% of our adult population within the year of 2021. So, siyempre, hindi mo naman mababaliwala na kung tayo ay makakamit natin ang target na 'yon, baka maibsan po natin ang alinlangan sa face-to-face campaigning."

"Hindi ko po sinasabi na it will actually happen, but all I'm saying is let's wait what will happen to our vaccination camapaign dahil meron pa naman tayong panahon."

Kanina lang nang tawaging "too restrictive" ni Sen. Francis Pangilinan ang panukala ng Comelec, lalo na't hindi raw mabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato ipaliwanag ang kanilang mga plataporma.

Aniya, magandang makita muna ang kalalabasan ng paparating na vaccination program bago makapagdesisyon talaga pagdating rito.

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, umabot na sa 530,118 ang tinatamaan ng sakit. Patay na ang 10,942 sa bilang na 'yan.

9-M bakuna sa ikalawang kwarto ng 2021

Sa isang pahayag ngayong araw, sinasbi ng World Health Organization (WHO) representative to the Philippines na si Rabindra Abeyasinghe na umaasa silang makatatanggap ang Pilipinas ng 44 doses ng COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng COVAX facility ngayong 2021.

Tinataya ng WHO na nasa 9.2 milyong doses ng gamot ang darating ng Maynila sa pagitan ng una hanggang ikalawang quarater ng taon.

Aniya, magsisimula agad ang paggulong ng vaccines oras na maibigay agad ng Pilipinas ang mga hinihinging rekisitos ng pasilidad para swabe ang rollout, kasama na ang iba pang requirements ng vaccine manufacturers gaya ng Pfizer BioNTech at AstraZeneca Pharmaceuticals.

"When all of those requirements are met and we believe that the Philippines is on track to do that, we are looking potentially at a maximum of 9.2 million doses coming through the COVAX facility by March or April of this year," saad pa ni Abeyasinghe.

"We are optimistic that the remainder of the 44 million doses will come later on in the year."

Tinatayang nasa 9.2 milyong AstraZeneca vaccines na gawang South Korea ang darating sa bansa kung mapananatili nito ang kanilang targeted manufacturing capacity.

Nasa 117,000 doses naman ang maide-deliver ng Pfizer sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.

2022 ELECTIONS COMELEC COVID-19 VACCINE FRANCIS PANGILINAN HARRY ROQUE NOVEL CORONAVIRUS WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with