^

Saliva testing ‘di covered ng PhilHealth

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa isinasama ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang COVID-19 saliva testing sa mga benefit package na ibinibigay na ng Philippine Red Cross (PRC).

“Ang sabi sa’min ni (Health) Secretary (Francisco) Duque, pwede na namin i-test, pero private use. ‘Yung pangkaraniwang mamamayan, huli na naman. Dahil ang magbabayad sa pangkaraniwang mamamayan, yung mga OFW, ay ang ating magiting at masipag kuno na PhilHealth,” patutsada ni PRC chairman at Sen. Richard Gordon.

Noong nakaraang linggo, inumpisahan na ng PRC ang pagsasagawa ng saliva testing na mas mura at kasing-epektibo ng PRC testing makaraang bigyan na ng approval ng DOH. Ngunit hindi pa binigyan ang PRC ng ‘go-signal’ ng DOH Health Technology Assessment Council para magamit sa publiko.

“Medyo napipikon na rin ako kasi hindi naman tama na mabagal sila, kaya I call a spade a spade,” ayon pa kay Gordon.

Sinabi ng senador na nais lamang umano ng PRC na makatulong sa mga mamamayan at mailigtas ang mga pasyente ng mas mabilis kaya kailangan ng kooperasyon ng lahat lalo na ng DOH at ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, uma­abot pa sa P590 milyon ang utang ng PhilHealth sa PRC para sa ibinigay na COVID testing sa mga nagbabalik na OFWs.

PHILHEALTH PHILIPPINE RED CROSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with