^

Frontliners ng Benguet may libreng bakuna

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang hintayin pa ng mga frontliners ng Benguet ang libreng bakuna kontra COVID-19 ng pamahalaan dahil bibili ng P5 milyong halaga ng bakuna si Benguet Caretaker Cong. Eric Yap para sa kanila.

Ayon kay Cong. Yap, na kinatawan din ng ACT-CIS, “nakikipag-ugnayan na po tayo sa vaccine czar at sa DOH (Department of Health) para makabili ng bakuna para sa mga frontliners namin sa Benguet.”

Nabatid na mayroong 400 mga doktor, nars, hospital staff at health workers ang buong lalawigan.

“Kailangan talagang unahin natin na protektahan ang mga frontliners dahil sila ang humaharap at lumalaban sa virus,” ani Yap.

Isasama rin ng mambabatas sa mga unang babakunahan ang iba pang frontliners, kabilang ang mga miyembro ng local media at kapulisan.

“Alam kong uunahin ng gobyerno ang mga frontli­ners, pulis at mga sundalo sa buong bansa na marami-rami rin ang bilang kaya nagpasya na akong bumili ng sarili para sa mga taga-Benguet,” aniya pa.

BAKUNA COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with