^

Bansa

Bayad serbisyo ng mga pari tatanggalin na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bayad serbisyo ng mga pari tatanggalin na
Ipinaliwanag ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, na ang ‘fixed amount’ na hinihingi para sa serbisyo ng simbahan ay naging hadlang sa mga mahihirap upang tumanggap ng biyaya at pagpapala ng Panginoon.
Philstar.com/File photo

MANILA, Philippines — Aalisin na ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang arancel system o pagbabayad sa mga pari sa kanilang serbisyo dahil sa dinaranas na pandemya sa bansa.

Sa isang “pastoral statement on stewardship”, inihayag ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang arancel system ay dapat nang tuluyang tanggalin dahil naging ‘prejudicial’ ito laban sa mga mahihirap.

Ipinaliwanag ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, na ang ‘fixed amount’ na hinihingi para sa serbisyo ng simbahan ay naging hadlang sa mga mahihirap upang tumanggap ng biyaya at pagpapala ng Panginoon.

Ang arancel system ay ang praktis ng pagbibigay ng ‘fixed amount’ sa simbahan para sa serbisyong kanilang ipinagkakaloob para sa mga mananampalataya.

Gayunman, nagdesisyon ang simbahan na alisin ito ng unti-unti hanggang sa tuluyang mapalitan ng konkretong stewardship program, upang hindi ma­ging hadlang sa mga mamamayan sa pagtanggap ng serbisyo ng simbahan. Ilang diocese na sa bansa ang matagal na ring hindi nagpapatupad ng arancel system.

Ayon naman sa CBCP, magtatatag na lamang sila ng isang service arm na siyang tutulong sa mga diyosesis na mahihirapang ipatupad ang programa dahil sa pandemya, na isang malaking dagok para sa mga pinagkakagastusan ng mga parokya.

Abril 2019 nang simulan na ang pagtatanggal ng arancel sa serbisyo ng pari sa pagbabasbas at misa sa mga patay.

vuukle comment

CBCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with