^
Magalong nagbitiw bilang contact tracing czar
Sa kanyang liham kay National IATF head Carlito Galvez Jr., inamin ni Magalong na nabigo siyang itama ang mga maling nakita niya sa ginanap na birthday celebration ng celebrity na si Tim Yap na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.
Geremy Pintolo/File

Magalong nagbitiw bilang contact tracing czar

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbitiw kahapon sa puwesto si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar matapos umani ng matinding pagbabatikos ang pagdalo nito sa isang magarbong okasyong nakitaan ng mga paglabag sa health protocols.

Sa kanyang liham kay National IATF head Carlito Galvez Jr., inamin ni Magalong na nabigo siyang itama ang mga maling nakita niya sa ginanap na birthday celebration ng celebrity na si Tim Yap na ginanap sa The Manor sa Camp John Hay gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.

Matatandaan na naging tampulan ng kritisismo sa social media ang lumabas na larawan ng Mayor sa okasyon kasama ang misis na si Arlene at artistang si KC Concepcion na nagpalitratong walang suot na face mask at face shield.

Pinahiwatig ni Magalong ang panibugho sa natatanggap nito at kanyang pamilya na pagbabatikos sa pangyayari.

Sinabi ng Mayor na nakahanda siyang humarap sa anumang pagsisiyasat na bubuuin ng mga nakatataas kaugnay sa naturang kapalpakan.

Gayunman, ipinabatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi tinanggap ni Galvez ang pagbibitiw ni Magalong.

Sinabi ni Roque na nananatili ang tiwala ng pamunuan ng National Task Force Against COVID-19 sa Mayor.

Sinabi naman ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na sa kabila ng paglabag sa ‘quarantine protocols’ ay buo pa rin ang tiwala nila at ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Magalong at nakikita na siya ang pinakaepektibo sa posisyon.

Malaki umano ang naitulong ni Magalong sa DOH sa contact tracing na ginagawa sa Mt. Province at sa Benguet sa pagtukoy sa mga nahawa ng UK variant ng COVID-19.

“Sa Bontoc and buong CAR (Cordillera Administrative Region) s’ya nagpatakbo nitong contact tracing natin for this specific variant,” diin pa ni Vergeire. —Malou Escudero, Danilo Garcia

BENJAMIN MAGALONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with