LGen. Sobejana next AFP Chief - Malacañang

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala ang Palasyo na ipagpapatuloy ni Sobejana ang moder­nisasyon ng militar at magpapatupad ng mga reporma upang maging ganap na professionals ang Armed Forces sa pagtupad ng tungkulin bilang tagapagtanggol ng mga mamamayan at bansa.
pna.gov.ph/Philippine Army photo

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang ang pagkakatalaga kay LGen. Cirilito Sobejana bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala ang Palasyo na ipagpapatuloy ni Sobejana ang moder­nisasyon ng militar at magpapatupad ng mga reporma upang maging ganap na professionals ang Armed Forces sa pagtupad ng tungkulin bilang tagapagtanggol ng mga mamamayan at bansa.

Sinabi rin ni Roque na ipagdarasal ng Malacañang na magtagumpay si Sobejana sa kanyang bagong tungkulin.
Papalitan ni Sobejana si AFP Chief Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa Pebrero 4.
Inaasahang tatagal sa kanyang bagong tungkulin si Sobejana hanggang Hulyo 31, 2021 o pagsapit ng kanyang mandatory retirement age na 56.

Show comments