Pinas naghain ng diplomatic protest vs China

Sa twitter account ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi nito na ang nasabing batas ay malinaw na pagbabanta sa iba pang bansa na lalabag dito.
PCOO

MANILA, Philippines — Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa bagong batas ng China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na barilin ang mga dumadaang foreign vessels simula sa Pebrero.

Sa twitter account ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi nito na ang nasabing batas ay malinaw na pagbabanta sa iba pang bansa na lalabag dito.

“After reflection I fired a diplomatic protest. While enacting law is a sove­reign prerogative, this one—given the area involved or for that matter the open South China Sea—is a verbal threat of war to any country that defies the law; which, if unchallenged, is submission to it,” ayon pa kay Locsin.

Kabilang sa mga lugar na itinuturing na teritoryo ng China ang West Philippine Sea kung saan matatagpuan ang Pagasa island.

Nauna nang nagpasa ng batas ang coast guard ng China na nagpapahintulot na barilin ang lahat ng foreign vessels kabilang ang mga fishing boat na maglalayag sa itinutu-ring nilang teritoryo.

Bukod dito, maaari rin umanong i-demolish ang mga istruktura na nakatayo sa mga inaangkin nilang teritoryo.

Show comments